The “FELIX MANALO” Movie

Maraming beses ko nang nabasa ang life story nang Ka Felix. And this is another good moment for me. Ang mapanuod ang storya ng buhay ng ‘Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw’. Lumaki ako sa loob nang Iglesia Ni Cristo. At mula pagkabata, kilala ko na sa pangalan, sa mukha, sa pagkatao ang Ka Felix pero hindi ang buong storya nang kanyang buhay. Bagamat nakakapagbasa na ako ng tungkol sa kanya, iba pa rin ang mapanuod ang kanyang kwento sa sinehan. At ang mga aral na kaniyang itinataguyod, wala akong makita na mali alinman sa mga ito. Kaya matatag ang aking pananampalataya na tama lamang na ang lahat ng mga tao ay umanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo para sa ikaliligtas.

Napakasarap sa pakiramdam na makita ang kanyang pagsisikap, pagsusuri at pagmamahal sa Ama. Napakagaan sa pakiramdam ang makita ang bunga nang kanyang mga pagsusumikap. Na mula sa kanyang pagsusuri, naipagpatuloy ang Iglesia Ni Cristo na si Cristo ang nagtatag at naiparating sa ating panahon. Nakakaakit ang mga Gawain na pinasimulan ni Ka Felix, kaya nga ganun na lamang din ang pagnanais naming mga kaanib na mag-anyaya at mag-akay nang mga tao na makikinig sa mga doktrina na aming itinataguyod para sa kapakanan na ngating kaluluwa.

Ang “Felix Manalo” ay isang pamamaraan muli nang Ama para makilala at matanyag ang Iglesia Ni Cristo, ang bayan nang Diyos. Dahil sa pelikulang ito, muling naipakilala ang INC sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo. Dito makikita at mauunawaan nang mga tao ang buong kwento kung panong ginabayan nang Dioys ang sugo para maiparating sa sanlibutan ang katotohan. Nawa maging daan pa ang pelikulang ito para maantig ang puso ng ating mga kapwa na magsuri sa mga aral na itinataguyod ng INC, nang sa gayon maging kabahagi din sila sa pag-asang kaligtasan ng bayan nang Diyos.

Binabati ko po ang lahat nang mga kapatid na nakipagkaisa sa lahat ng gawain na inilunsad para sa ikatatagumpay ng pelikulang ito. At muli po inaanyayahan po namin ang mga kababaayan nating panuorin ang pelikula para po makapagsimula silang magsuri ng mga salita ng ating Diyos. #FelixManaloNowShowing

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s